Lunes, Setyembre 19, 2011

ANG GURYON
ILDEFONSO SANTOS



tanggapin mo anak 
itong munting guryon 
na yari sa patpat at papel de hapon 
magandang laruan pula,puti,asul 
na may pangalan mong sa gitna naroon 

Ang hilig ko lamang bago paliparin 
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin 
ang solo't paulo'y sukating magaling 
nang hindi mag ikit o kaya'y magkiling 


saka, pag umihip ang hangin ilabas
At sa papawiri'y bayaang lumipad
datapwat ang pisi'y tibayan mo,anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma't hindi balang araw ikaw 
ay mapabubuyong makipagdagitan 
Makipaglabann ka subalit tandaan 
na ang nagwawagi pusong marangal 

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig 
Matangay ng iba o kaya'y mapatid 
Kung saka-sakaling di na mapabalik 
Maawaing kamay nawa ang magkamit 

Ang buhay ay guryon,marupok malikot 
Dagiti't dumagit saan man sumuot 
O,paliarin mo't ihalik sa Diyos 
Bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento